spoiled
hm.. nagiging spoiled ata ako masyado.
nasasanay ako sa pagbigay ni P ng gusto ko.
baaadddd... di dapat ganon.
alam ko bibigay niya mga gusto ko.
kaya cinocontrol ko din sarili ko para hindi umabuso. c:
hm.. nagiging spoiled ata ako masyado.
nasasanay ako sa pagbigay ni P ng gusto ko.
baaadddd... di dapat ganon.
alam ko bibigay niya mga gusto ko.
kaya cinocontrol ko din sarili ko para hindi umabuso. c:
BIOCHEM IS KILLING ME!
WHY SHOULD I DIE? YOU DIE. DIE BIOCHEM. DIE!
Weird talaga. Kasi nung isang gabi, nagtataka ako ba't namumula na mata ko. Feeling ko irritated. Tumingin ako sa salamin, tapos nakita ko may tumutubong parang hair/eyelash sa tear ducts ng mata ko. Tinignan ko yung isa kong mata, tapos wala naman. Nagpanic ako kasi ang alam ko hindi dapat tinutubuan ng hair ang tear ducts. Tear ducts nga e, daanan ng luha. Natulog na ako agad after non. Kinabahan ako eh. Natulog ako wishing na bukas ng umaga (Christmas morning) na wala na yung nasa mata ko.
Pagkagising ko ng umaga, tumingin uli ako sa mirror. Tapos meron pa rin. Sobrang nagpanic na ako. Gusto ko umiyak pero yung isang mata ko dry na dry na. Sinabi ko na kay mama. Sabi wala daw doctor sa hospital kasi Christmas. Buti sinuggest ng kapatid ko na sa opd ipatingin. After namin magmass that morning, dali-dali kong pinilit sina mama magpunta sa hospital.
Lumamig kamay ko nung palapit na sa hospital. Kung ano-ano kasi kinekwento na nakakatakot ng mga kapatid ko. Tinignan ng doctor yung mata ko. Nagulat din siya kasi ang weird daw ng case na yun. Akalain mo, case pala ang tawag. Anyway, pinahiga ako tapos kumuha ng forceps. Tinanggal yung nasa mata ko. Tapos poof! it became coco crunch.
Kidding aside. Eyelash daw from my upper eyelid yung nasa tear duct ko. Nahulog at nashoot daw. Ayon. Sobrang relieved ako. Thank you kay Papa God at natanggal yun. Weirdest christmas experience! Haha
friend: dapat inasar mo si P. *tawa*
ako: ayoko nga, baka umiyak pa siya eh
friend: mahal na mahal mo talaga si P noh? ayaw mo talaga siya masaktan.
*ang galing. nahahalata pala talaga. napakatransparent ko talaga sa mga nararamdaman ko
^_^
May isang boy at girl. Isang araw, hinatid ni boy si girl sa tinitirhan ni girl. Pagkahatid ni boy kay girl, gusto na makauwi ni boy. Ayaw pa ni girl pauwiin si boy, kaya pinilit pa niya magstay si boy para makipagkwentuhan sandali. Gusto kasi ni girl makasama pa si boy, miss na kasi niya eh. Habang naguusap, may kilala si girl na lumabas ng tinitirhan niya. Kumaway si girl sa kaibigan niyang babae. Kumaway din pabalik yung kaibigan niya. Si boy na kausap ni girl, napatingin sa kaibigan ni girl bigla. Habang naguusap pa si girl at si boy, naramdaman at nakikita ni girl na nagnanakaw ng tingin si boy sa kung sino ang nasa likod niya. Sino pa nga ba, e di si girl. Kahit di binanggit agad ni girl yung naobserbahan niya, alam niya tumitingin talaga si boy. Iba kasi yung tingin niya eh, palayo ng palayo. Parang sinusundan nung mata ni boy yung kaibigan ni girl habang tumatawid. Nagusap pa din si boy at girl sandali. Hanggang sabi ni boy mauuna na siya umalis. Bago payagan ni girl umalis si boy, sinabi niya yung naobserbahan niya sa pagtingin ni boy sa kaibigan niya. Natawa bigla si boy. Nagulat si girl kasi di niya inaasahan matatawa lang ng ganon si boy. Kaya inakala niya na kinikilig si boy. Tapos bigla pang namula si boy. Inisip ni girl na may gusto nga siguro si boy dun sa kaibigan niya. Sa loob-loob ni girl, sobrang lungkot niya, pero di na lang niya pinahalata ang kalungkutan niya. Sa sobrang pagpipigil niya na hindi makita ni boy na malungkot siya, nagalit at nagtampo na lang siya kay boy. Hanggang sa text tampuhan pa rin. Lumipas ang isang araw na magkatampuhan sila. Hindi nagkasama at lalong hindi nagpansinan.
Pinipilit ni girl na tumitingin si boy sa kaibigan niya. Pinipilit naman ni boy na hindi siya tumitingin sa kaibigan ni girl. Hindi makapaniwala si girl sa excuse ni boy kasi halatang-halata naman na tumitingin siya. Ika nga, what you see is what you get. Although gusto maniwala ni girl kay boy, hindi talaga maalis sa isip niya yung nakita niya. Kaya hindi pa rin naconvince si girl sa excuse ni boy.
Hindi na natiis ni girl na makatampuhan si boy. Namiss na niya masyado. Di niya kayang tiisin kahit ano pa ang sabi niyang hihintayin niya na si boy ang gumawa ng move. Nahiya bigla magtext si girl kay boy. Pinatext niya si boy sa isa nilang classmate at friend nila para tanungin kung kumain na si boy at kung ano ginagawa. Sabi ng classmate nila magsorry na daw siya para magkaayos na sila. Naconvince si girl kasi sobrang miss na din niya si boy. Kaya tinext niya ng sorry. Lalong naging complicated yung tampuhan nung biglang brining up ni girl na nagsisinungaling si boy sa paguwi ng bestfriend niya. May nalaman kasi si girl na hindi naman totoo na umuwi bestfriend ni boy from another country. Inaccuse ni girl si boy na liar. Sabi ni boy, totoo namang umuwi yung bestfriend niya. Sabi ni boy hindi ko na daw siya pinaniniwalaan. Ang sakit na daw ng mga iniisip ni girl sa kanya. Naguilty si girl. Totoo nga nawawalan na siya ng trust kay boy. Napapangunahan siya ng doubt. Ayaw niyang masira yung konting trust na natitira na lang. Kaya naniwala na lang si girl. Sobrang mahal niya si boy. Ayaw niyang mawala si boy sa kanya.
Nagbati din si boy at si girl sa wakas. Sabi ni boy hindi naman niya kaya magalit kay girl. Natouch si girl sa sinabi ni boy. Lalo siyang nalungkot sa mga nagawa niya. Nagkapatawaran ang dalawa. Masaya na uli sila kahit pareho silang nasaktan. Mahal kasi nila isa'tisa eh.